Tuesday, 13 March 2012

BulSU nakiisa sa No to Plastic Policy



Inilunsad ng Sentro ng Edukasyon para sa Ekonomiya at Kalikasan (SEEK) ang ‘Friday is No Plastic Day’ sa Bulacan State University (BulSU), bilang pakikiisa sa panlalawigang panukala ng Bulacan--- ‘No to Plastic Policy’, noong buwan ng Pebrero.

            Layunin ng SEEK na mapangalagaan ang kalikasan kasabay ng pagkakaroon ng edukasyon na makatutulong sa mga estudyante upang makiisa sa pag protekta sa kalikasan.
Sa pagpapatupad ng “Friday is No Plastic Day”, pinagbawalang gumamit ng mga plastic cups, Styrofoam, plastic utensils ang mga tindahan sa loob ng unibersidad tuwing Biyernes. Sa halip sila ay gagamit ng mga alternatibong gamit tulad ng paper cups at stainless steel utensils.
Pangunahing naapektuhan ng ibinabang bagong regulasyon sa unibersidad ang mga tindahan sa loob ng BulSU. Ang pagbabago ay nagdulot ng pagtaas sa presyo ng inumin tuwing biyernes, mula sa 10php hanggang 12php. Iyon ay sa kadahilanang mas mahal ang presyo ng paper cups kaysa sa mga plastic cups.
Ayon kay Aurora Navaro may-ari ng Abby’s Express Burger na matatagpuan sa Federizo Hall, ayos lang sa kanila ang ibinabang kautusan ng administrasyon ng BulSU dahil ito ay nakatutulong sa kalikasan.
“Okay lang naman sa amin, hindi naman kasi nabawasan yung benta namin, tsaka tinangkilik talaga ng mga estudyante yung mga paper cups kahit na may dagdag presyo.” dagdag pa ni Navaro.
            Nauna nang isinulong ni Bise Gobernador Daniel Fernando ang plastic ban sa buong probinsya, na naglalayong mabawasan ang mga hindi nabubulok na basura sa Bulacan. Bilang pagtugon ng BulSU sinimulan ng ipagbawal ang paggamit ng straw at takip ng plastic cups sa buong unibersidad noong Enero. Maging ang ilang fast food chain sa Malolos ay naki isa na rin sa nilalayong ordinansa sa lalawigan.
            “We initiated this [pagbabawal ng plastic straw at takip ng plastic cups] dahil dagdag pangangalaga ito sa ating environment. Magandang simulan ng mga kabataan ‘tong drive, para magsilbi silang role model sa iba.” ani Evangelene Custodio, Vice President for Admimistration and Finance ng BulSU.
            Positibo din ang naging tugon ng mga estudyante sa nasabing pagbabago. “ Maganda yung programa kasi nakakatulong siya sa environment. In our little ways nakakagawa tayo ng mga pagbabago. Nakakatuwang malaman na nakakapag contribute tayo para sa campaign against climate change.” ani Januca Mendido ng BSBA 1E
            Samantala, ang tindahang mahuhuli na hindi sumusunod sa bagong regulasyong inilatag ng BulSU ay mawawalan ng permit na magtinda sa loob ng unibersidad. #Ruby Jean Ricafranca

BAMC 3A Raked Awards in Music Video Contest


Bachelor of Arts in Mass Communication 3A hailed not only music video (MV) of the year but two other awards in Music Video Contest at the College of Arts and Letters Night at the Hiyas Capitol Gym, February 17.
Ang buong klase ng BAMC 3A, habang bukas palad na ipinagmamalaki 
ang napagwagiang mga parangal sa nakaraang SiBul, kasama ang parangal 
sa Music Video making.

Though a neophyte in doing music videos, 3A proved that they can outshine their seniors as they were awarded not once but thrice.
They have won the MV of the year with the song “Everything you want” made by the Haribol Productions. They are also concluded Best Male Music Video “Kung Wala Ka” and Best dance video from the Clash Productions with “Good Girls Go Bad”.
“Hindi talaga namin ini-expect yun, lalo na kasali yung mga fourth year. Sobrang happy ako kasi talagang pinaghirapan naming yun, kumbaga bunga yun ng lahat n gaming pagod at hirap.” said Reynalyn Mariano producer of Haribol Productions.
On the other hand, the seniors from BAMC 4A also got the Best Female Video for their MV “Speechless” and Best Director and Art Direction all from the Naked Production of 4A.
Another junior from BAMC 3C got the following awards such as, Best Video with Message from the MV “How to Save a Life” of the Bipolar productions and Best in Cinematography with their MV “You Found me”
While the Best in Editing was awarded by another third year from BAMC 3B with their music video, “Tindahan ni Aling Nena.”
All the participants were given certificates and cash prizes for the winning music video production group.#Ruby Jean Ricafranca

CAL, pinarangalan ang nagwagi sa SiBul



Muling inihain ng College of Arts and Letter at Multimedia Division ang Sine Bulacan State University (SiBul), sa ikalawang pagkakataon, upang masukat ang talento ng mga mag-aaral ng naturang kolehiyo sa paggawa ng mini-serye.

Bigger. Braver. Bolder., ang naging tema ng ikalawang SiBul Festival na ipinapanood sa mga estudyante ng CAL, maging ng buong BulSU, noong ika-13 hanggang ika-15 ng Pebrero, sa Federizo Hall.
Lako,Flatline,Kuwit,Departure,Guillermo,Sergio,Garapon at NXX 704, ang mga pamagat ng screen play na pumasa at ipinalabas, matapos pumasa sa pagsusuri ng mga hurado.
Mas naging malawak ang sakop ng Sibul ngayong taon dahil noon ang mga junior at senior lang ang pinapayagang lumahok ngunit, ngayon ay bukas na ito sa lahat ng antas basta makapagpasa lamang ng script.
Naging mainit ang labanan noong ika-17 ng Pebrero, ang Night Party  ng mga estudyante ng Artes at Letras, kasabay ang  pag-aaward sa mga tao sa likod ng Sibul production.
            Nagtala ng pinakamaraming parangal ang SERGIO ng BAMC 4B, matapos nitong masungkit ang Best Screenplay, Viewers Choice Award, Best Direction/Director at Multimedia Division Choice Award, kung saan pinagkalooban sila ng tropeo at P3000.
            Nakuha naman ng Flatline ng BAMC 3A ang Best in Video Editing at Best in Actor sa katauhan ni Ervin Bermeo at si Roanna naman ng Departure ang nagwagi bilang Best Actress. At nasungkit naman uli ng BAMC 4A, sa mini-seryeng Garapon, ang Best in Audio Music.
            Samantala, iniuwi naman ng NXX 704 ang pinakatinitingalang parangal noong gabing iyon, ang Film of the Year, kasama ang Best in Cinematography.
            “The best ang SiBul ngayon, ramdam na ramdam ng mga estudyante. Ang ganda, ang gagaling talaga ng mga ka-maskum. Next year, sasali na rin kami,” ani ni Micah Jenessa Cruz, mag-aaral ng BAJ 3A.#Jovel Bautista

Saturday, 10 March 2012

Estudyante ng Journ 3-A, pinarangalan



Limang mag-aaral ng Bachelor of Arts in Journalism 3A pinarangalan, sa kauna-unahang pagkakataon, matapos nilang mag-uwi ng karangalan mula sa iba’t ibang kompetisyon para sa unibersidad, noong ika-17 ng Pebrero sa Malolos Hiyas Convention Center.
Si Archival Mariano habang tinatanggap ang sertipiko ng karangalan da-
hil sa pagkapanalo niya bilang ika-apat sa On-the-Spot Essay Writing
contest sa National Press Club.


Tumanggap ng Certificate of Recognition sina Ann Lea Santiago at Archieval Mariano, na parehong nagwagi bilang 2nd and 4th placer, sa ginanap na National Press Club (NPC) Essay Writing Contest na may temang “The Politics  and The Press” na ginanap noong buwan ng Agosto, sa gusali ng NPC.

“Thankful pa rin kahit late na yung pagappreciate nila sa mga estudyanteng nagdadala ng karangalan.. Masaya kasi hindi nila hinayaang patunayan na tama ang column ko noon sa magazine”, pahayag ni Santiago.

Samantala, binigyang parangal din si Sherwin Jalotjot nang matamo niya ang ikalawang pwesto sa Filipino Copy Reading at Headline Writing Contest sa ginanap na ATSPAR Press Conference sa Microtel Inns and Suites, Cabanatuan City noong Nobyembre.

“Hindi ko naman expected 'yun, pero masaya ako na may gano'n nang recognition sa mga estudyante ng CAL. Magandang motivation 'yun para mag-strive pa ang mga estudyante sa pagsali sa mga contests and the likes”, ani Jalotjot.

Samantala, hindi man naparangalan sa gabi ng CAL night, binigyan din ng parangal sina Bearonica Leth Castro na nakakuha ng 1st place para sa Editorial Writing at 3rd place naman sa Development Community Writing (OSSEI) habang si Arna Catel Coronel naman ay nagkamit ng 4th place sa  News Writing Organization of Student Services Educators, Inc. National Conference in Campus Journalism and  5th  Writing Competition na ginanap sa Development Academy of the Philippines, Tagaytay City noong Pebrero 3 at 4.

“Hindi ako naniniwala na nakalimutan nila sa deans office yung certificates namin kaya hindi nila kami na awardan nung gabing yun, aminin na lang nila na hindi kasi nila kami kilala. Though naibigay naman yung certificates sa amin, iba pa rin yung narecognize ka nung CAL night, kasi parang lumalabas na sa papel na lang yung recognition.” ani Castro.

Sa Pangunguna ni Dr. Vic Ramos, Dean ng College of Arts and Letters (CAL), napagkasunduan ng administrasyon ng kolehiyo, kasabay ng pagdiriwang ng CAL night, na magbigay ng parangal, bilang pasasalamat na din sa mga mag-aaral ng Journalism na nakapagdala ng karangalan hindi lamang sa CAL kundi pati na rin sa buong unibersidad.#Florence Ambrocio

Mga aspiring Midya, nakaharap ang mga batikan sa larangan



LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Nakaharap ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Artes at Letras (KAL) ng Bulacan State University (BulSU) ang ilang kilalang personalidad sa larangan ng pamamahayag at ‘entertainment’ nang ganapin ang 4th Media Summit sa BulSU Hostel noong ika-16 ng Pebrero.
"Gusto kong maging reporter kasi gusto ko" isa sa mga naging
inspirasyon ng mga CAL students  sa mga  ipinahayag ng guest
speaker na si Steve Dailisan ng GMA 7 sa 4th Media Summit
na ginanap sa BulSU Hostel

Mass Media as Catalyst in Uplifting Social Awarness of the Filipinos” ang tema na pinag-usapan sa naturang proyekto na naglalayong imulat ang mga mag-aaral sa maaari nilang maranasan sa pinili nilang mga propesyon.
“Masayang makilala yung mga nasa field kasi mas naiinspire kami,” ani Ruby Jean Ricafranca
Ibinida ni G. Salvador Royales, and Radio Drama Director ng DZRH, kung paano sumulat ng iskrip ng isang kwento sa radyo, maging ang kaibahan nito sa ibang istorya, at kung ano at paano ang takbo ng buhay sa pamamahayag at panlilibang sa dyaryo.
“Pagdating sa drama, kailangang ma-entertain natin ang mga listeners, kasi radio creates  mood of the listeners,” ani ng batikang manunulat, “wag gagawa ng magandang istorya, kung walang makukuhang aral sa dulo nito,” dagdag pa nito bilang payo sa mga mag-aaral.
Binanggit din niya na karapat-dapat na maging sensitibo ang isang manunulat upang mapabuti nito ang kaniyang obra. Ito ay sa pamamagitan ng mga kritisismo na ibinibigay ng mambabasa at taga-pakinig.
Sa katunayan, ito ay kanya ring naranasan noong siya ay nagsisimula pa lamang sa kaniyang propesyon, kung saan madalas ma-redyek ang kaniyang mga istorya at saka niya pinagbuti ang trabaho.
Ikinuwento naman ni Steve Dailisan, isa sa mga reporter ng GMA 7, ang kanyang mga karanasan habang siya ay kumakalap ng mga impormasyon.
Ayon sa kanya, hindi lang glamoroso ang buhay ng isang mamamahayag. Ito ay sa kadahilanang may kaakibat na peligro ang trabaho ng mga ito, tulad noong nag-kober siya ng bangayan sa Mindanao.
“Ang reporter kasi more than just celebrity, kasi dito hindi ka pwedeng umarte at kailangan kapag nagbabalita nasa puso,” ani nito.
Ibinahagi rin niya na dapat bilang isang mamamahayag ay alam nito ang kanyang limitasyon o kung saan dapat  ito hihinto.#Elmar Cundangan

BulSU 16 na taon nang kampeon sa SUC’s III Olympics


Muling nadepensahan ng Bulacan State University (BulSU) Gold Gears ang kampeonato sa ika-16 napagkakataon sa ginanap na State Universities and Colleges (SUCs) III Olympics noong ika-16- 21 ng Disyembre sa Tarlac State University.
Ang koponan ng Sepak Takraw, na isa lamang sa grupo na naghakot ng medalya,
na nagpanguna sa BulSU,  nakaraang SCUAA III. 

Samu’t saring mga parangal ang napagwagian ng BuLSU mula sa iba’t ibang kategorya ng larong pampalakasan na pinaglabanan ng 13 kolehiyo sa ikatlong rehiyon.

Nasungkit ng naturang pamantasan ang 137 na ginto, 39 na pilak at 34 na tanso, dahilan upang maungusan nito ang mga katunggali.

Pumangalawa naman ang Central Luzon State University na nakakuha ng 31 na ginto, 46 na pilak at 47 na tansong  medalya habang tinamasa naman ng Nueva Ecija University of Science and Technology, na pumuwesto bilang ikatlo sa kabuuan, ang 20 ginto, 39 pilak at 17 na tanso.

“Napakasarap [ang pagkapanalo], deserving ang ibinigay na pagsisikap ng mga athletes, yung tiyaga at paghihirap nila,” ani ni Raquel Mendoza, ang Dekana ng College of Physical Education and Recreational Sports.

Ayon din sa kanya, bago pa man madepensahan ng pamantasan ang kampeonato ay dumaan muna ang mga atleta sa isang masinsinang pag-eensayo at pangangalaga sa katawan sa buong isang taon. Ibinida rin nito na humiling siya bago pa man magsimula ang nasabing paligsahan na sana ay manatili ang kampeonato ng koponan.

“Lagi kami [atleta] nagfofocus sa trainings, iniiwasan namin ang mga bawal,” hayag ni Cian Cristoper Diaz, tatlong taon nang manlalaro ng Sepak Takraw.

Dagdag pa ng ibang mga manlalaro, ibinibigay ng pamantasan ang kailangan nila sa abot ng makakaya nito, tulad ng bitamina upang lalong mapalakas ang resistenya ng mga manlalaro.#Elmar Cundangan

SOME still the defending Champ in Christmas Carol Contest 2011


Singing christmas carols with all their hearts, Society of Music Enthusiasts (SOME)of Sarmiento Campus proves that they are still the best chorale group as they outcast its eight contenders and bagged the championship  for the second time in the Christmas Carol Chorale contest held at Activity Center, Decemeber 14.
Society of Music Enthusiasts won the chorale championship for the second time.

“To God be the Glory! Siya talaga yung nagpapanalo sa amin. Simula pa lang nung practice, weve got all of this because of Him and of course yung patience and hardwork ng bawat isa sa amin.” Said Ivan Joseph Vargas one of the member of SOME.

Nine groups battled in the competition, each had the chance to sing their chosen christmas songs for the first part as a warm up followed by the contest piece entitled “ Pasko na,Gumising” which was sung by each group with one melody and hymn.

With their own piece of music, SOME gives different renditions to O come O YE Faithful, Joy to the World, Angels we have heard on High, The first Noel and O night divine as part of their tapestry of carols that outstand with the other groups.

“Puso sa pagkanta nung mga bata yung nagpapanalo talaga sa amin.”said Maridad Esguera adviser of SOME in their two treak win.

Meanwhile Bustos Campus “Yubalistas” got the first place followed by the College of Engineering “Inhinyero  Chorale” and College of Nursing “Lungs Chorale” at third place.

Winners receives tropies and cash prizes 20,000, 15,000, 10,000 and 5,000php respectively. While non winner also receives a consolation prize worth 3,000php. And the entire group receives a certificate of appreciation from the Cultural Afairs of Performing Arts (CAPA) who organized the event as part of their contribution at the BulSU 107th foundation week.

On the other hand, College of Archiotecture and Fine Arts, “Glee Club”  receives two special awards as they won the Best in Choreography and Best in Costume while the Inhinyero Chorale snatched the Most discipline group award.

Certificate of Recognition from CAPA were also awarded to Meneses Campus “Kasibol Chorale”, SOME and Yubalistas.#Ruby Jean Ricafranca and Jovelyn Bautista

OSS honors 7th Benefactors Day



Thank you is not enough to show the scholars gratitude to their benefactors as the Office of Students’ Scholarships (OSS) honors benefactors them in the 7th Benefactors’ Day held at BuLSU Activity center, December 9.

Scholars honors their respective benefactors in private and public
institution as they gather in the 7th benefactors day
at BulSU Activity Center

With the growing population of Bulacan State University (BulSU), benefactors, from the public and private sectors, who give financial support to the deserving students, increases from last years’ 82 sponsors to 96 this year producing 6100 scholars excluding those who are supported by the university.

Twenty five percent (25)% of the benefactors came from the public sector and 75% were from the private company and individuals.

“ Scholars who are supported by these benefactors will transfer their commitment to other students who will develop as good citizens. For the benefactors I salute you for what you are doing.” said Dr. Virginia Akiate, Director IV of Commission on Higher Education (CHED) Region III.

Scholars from different colleges and campuses gathers together to personally honor their sponsors, some gave their Christmas cards to show how much they appreciated the help from their respective benefactors.

 “Yung responsibility namin bilang mga scholars nila hindi natatapos sa pagbibigay nila sa amin ng pang tuition. This event gives us a chance to give them back what they deserve for us and that is a lot of thank you.” Said Maruilson Ventura, BSED 2C

Akiate, who once had been a scholar during her high school and college years, said that the university must continue the commitment of academic excellence and enhancing the social responsibility to its students, who help and develop the society.#Ruby Jean Ricafranca

CHE Students, nagpasiklaban sa Flaring CHE Students, nagpasiklaban sa Flaring






Muling nagpamalas ng husay at galing ang mga estudyante ng College of Home Economics para sa taunang Flair and Flame Battle of the Best Competition, noong ika-7 ng Disyembre.

Hollywood ang naging tema ng patimpalak na pinangunahan ng B.E.S.T, kung kaya’t ginaya ng mga kalahok and ilang sikat na artista at personalidad gaya nila Brad Pitt, Pepe Smith, Manny Pacquiao at marami pang iba.

Sa pangalawang pagkakataon, si Gerwin Calaya a.k.a Pacman, ang tinanghal na panalo matapos ipakita ang kakaiba at maayos na execution.

Habang nakuha naman ni Roland Pelayo at Kiko Dela Pena, ang ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakabanggit, matapos ibuhos ang galing sa pagbabalanse sa mga bote sa kanilang siko.

Muling bumida naman si Gerwin Calaya laban sa 9 na kalahok nang parangalan siyang Best in Costume at magkamit ng P300 bilang premyo.

Hindi man sinuwerte ang ilang kalahok ngunit, umuwi silang may bitbit na GSM Blue, ang naging sponsor ng patimpalak, bilang consolation prize.#Florence Ambrocio at Carla Hermoso

Friday, 9 March 2012

Angry Pink Kampeon sa CS Chorale Competition



Tagisan sa pag-awit ang bumida sa College of Science parte ng Linggo ng CS noong ika-6 ng Disyembre sa Audiovisual Room ng kolehiyo, kaalinsabay sa pagdiriwang ika-107 na anibersaryo ng Bulacan State University.

Ang kauna-unahang CS Chorale Singing Competition ay ang ginawang preparasyon ng nasabing kolehiyo para sa isa pang kompetisyon, kung saan maglalaban-laban naman ang bawat kolehiyo sa pag-awit ng mga kantang pamasko.

Nagwagi ang Angry Pink laban sa Berde Bee, Red Giants, Yellow Warriors at Azuls at tumanggap ng sertipiko at 3,000Php bilang premyo

Ngunit bago pa simulan ang naturang patimpalak, nagpakitang-gilas muna ang mga kalahok gamit ang kani-kanilang mga warm-up song.

Matapos iyon, tuluyan nang inawit ng grupo ang kanilang ‘rendition’ ng kantang ‘Gumising…’

Samantala, ang CS Chorale Singing Competition ay pinamagitan nina Christine Anne Arellano, dating kampeon sa BulSU Pop Promising Super- Star; Engr. Jesusa Angela, guro mula sa Departamento ng Matematika at Gng. Nenita Cruz, tagapayo ng Saring Himig.#Elmar Cundangan

BAM 3E pinangunahan ang Talentadong CBA ‘11




Pinatunayan ng mga mag-aaral ng College of Business Administration ang akin nilang talent at galing matapos ganapin ang Telentadong CBA sa Heroes Park ng Bulacan State University (BulSU), Disyembre 6.

Ang paligsahan sa talento ay nilahukan ng mga mag-aaral ng nasabing kolehiyo, kung saan nakapaloob  ang kursong BS Business Administration major in Management (BAM) at Entrepreneurship (BAE),  at BS Accountancy (BSA). At pinangunahan ng Junior People Management Association of the Philippines.

Pinahanga ni Christina Bagani aka Athena ng BAM 3e ang mga manunuod at ang hurado, matapos niyang magpatawa at i-lip sync ang isang kantang nag-angat sa kanya upang tanghaling Talentadong CBA ng taon.

“Masayang- masaya [ako] at saka proud ako hindi dahil nanalo ako, kung ‘di dahil sa moral support na ibinigay ng mga classmate ko, lalong lumakas ang loob ko,” ani ni Christina Bagani.

Ayon din sa kanya, una pa lamang ay inaasahan niya nang manalo, ngunit noong may nag –fire dancing ay kinabahan siya dahil palagay niya ay mas magaling ito.

Sa katunayan, pumangalawa at tinalo ni Athena ang sumayaw habang may kasamang apoy na si Fire Lord sa katauhan ni James Dungca ng BAE 2b at sinundan ng Singing Diva na si Maria Josephine Danganan ng BSA 1B.

Tumanggap ang mga nagwagi ng tropeo at sertipiko kasama ang P3000 para sa nanguna, P2000 at P1000 naman ang sa dalawa, sa ikalawa at ikatlo. #Elmar Cundangan

Mgt 3E wagi sa kauna-unahang Corporate Dance Competition


Humataw ang BSBA major in Management 3E sa Corporate Dance
Competition, na ginanap sa Student Park ng BulSU.

Pinatunayan ng E- Force na nagmula sa BS Business Administration  (BSBA) major in Management  (Mngt) 3E sa ginanap na kauna-unahang ‘Corporate Dance Competition’ sa Student Park noong ika-5 ng Disyembre.

Ang nasabing paligsahan sa pagsayaw ay namagitan lamang sa kursong BSBA major in (Mngt) at Entrepreneurship, at BS Accountancy (BSA), mga kursong nakapaloob sa College of Business Administration.

“Blessing talaga ‘yung pahkapanalo namin. O.A (Over Acting) sa sayaang naramdaman namin kasi (for) the past two years, wala kaming natatanggap na award every trade fair, pero ngayon the best ang trade fair namin. Napaka-memorable,” ani ni Mary Rose Magdato, miyembro ng nagwaging grupo.

Samantala, pumangalawa ang The Assets ng BSA 1B na sinundan  naman ng grupong Xtreme Youngsters ng BSBA Mngt. 1B ang nasabing paligsahan.

“Masaya ako dahil naging successful ang event namin kahit na inulan kami. And naging proud din ako sa mga sumali pagka’t lahat sila ay nakibahagi at nagbahagi ng kanilang mga talent,” pagmamalaking sinabi ni Aldrich Simbulan, Presidente ng CYBL na siyang nag-organisa ng nasabing labanan sa ‘dance floor’.

Nagkaloob ng  P5,000 ang nanguna, samantalang P3,000 at P2,000 naman ang tinamasa ng dalawang huling nagwagi na may kasamang sari-sariling tropeo na magpapatunay sa kanilang pagkapanalo.

Ang labanan ay pinamagitanan ng mga inampalan na sina Joseph Roy Celestino, ang Direktor ng Office of the Student Organization; si Aries Pasno, isa sa mga guro at instructor sa pagsasayaw ng unibersidad at si Gng. Regina Danganan, ang director ng Hyper Dynamics. #Elmar Cundangan

Yellow Warriors kampeon sa CS Street Dancing

PANAGBENGA FESTIVAL. Masigla at makulay na representasyon ng Pista
ng  Bulaklak  ng Baguio City,  ang naging tema ng grupong Yellow Warrior
sa ginanap na Street Dance Competition sa Heroes Park.


Dinumog ng maraming manonood na mula sa iba’t ibang kolehiyo ang Street Dancing Ng College of Science noong nakaraang Foundation Week, Disyembre 5.

Philippine Festivals ang kanilang naging konsepto at sinasabing isa ito sa mga talagang pinaghandaang mabuti ng kolehiyo, dahil sa mga naggagandahang props at costume ng bawat team.

Umikot sa buong unibersidad ang lahat ng kalahok, at tumigil sa Federizo Hall kung saan ginanap ang kanilang presentasyon .

Nagwagi ang Panagbenga Festival ng Yellow Team na kinabibilangan ng mga piling estudyante mula sa iba’t-ibang kurso sa College of Science.

Ang Maskara Festival naman ng Azuls ang nakakuha ng ikalawang pwesto samantalang nagustuhan rin ng hurado ang Bulaklakan ng Maynila ng Berde Bees kaya naman sila ang nagkamit ng ikatlong pwesto.

Kasama din sa mga nakilahok ang Halaman Festival ng Red Giants at ang Ati-atihan Festival ng Angry Pinks na kapwa hindi pumatok sa CS Faculty na nagsilbing mga hurado.

Binigyang parangal ang mga nagwagi sa iba’t-ibang kumpetisyon sa araw ng kanilang CS Night at P3000 cash ang ipinagkaloob sa mga nakakuha ng unang pwesto.

“Todo practice yung team namin at pinaghandaan talaga namin ng mabuti yung presentation kaya sa tingin ko, deserving talaga kaming manalo,” ani Christian Cruz ng BS Math.

Ang Street Dancing ay isa lamang sa mga napiling activities ng College of Science para sa kanilang CS Week na isinabay sa Foundation Week. # Florence Ambrocio



Malikhaing Pagsulat : Ininsayo ang kanilang imahinasyon


Sa unang pagkakataon, ang College of Arts and Letters (CAL) ay nagbukas ng isang 2-day seminar para sa bagong batch ng Creative Writing majors sa Bulacan State University ng umaga, Dec. 7, kaalinsabay ng Foundation Week.
Si Dr. Vic Ramos, ang dekano ng College of Arts and Letters, 
habang kinakausap ang mga mag-aaral ng Creaive Writing sa 
FH 214.



Si Dr. Victor Ramos, Dekano ng CAL, ang naghanda para sa seminar na ito na tinawag na Teleplay Writeshop at sinasabing and workshop seminar na ito ay eksklusibo lang para sa mga 1st year sa bagong itinayong kurso na Creative Writing sa kolehiyo dahil kailangan sila bigyan ng tamang orientasyon sa akademiko at para na din sila matutong gamiting ang kanilang malikhaing imahinasyon sa pagsusulat.

Bukod sa mga lektura, may mga activities din silang ginawa tulad ng mga role-playing games kung saan ang bawat kalahok ay may pinapanggap na tauhan at tumutulong-tulong bumuo sa isang mysteryong istorya na pumoprogresibo habang ito’y nilalaro.

“Pinapapikit ko ang kanilang mga mata para mas makita nila ang kanilang mga imahinasyon. Isa itong paraan para makapagsulat ng nang mahusay.” ani ni Dr. Victor Ramos, Dekano ng CAL.

Sinasanay niya ang mga estudyante ng kursong ito sa pagsusulat ng dulang pantelebisyon para matulungan ang kanilang pangarap na makapaglathala ng isang iskrip para sa mga sikat na television networks tulad ng GMA 7 at ABS-CBN. 


“Sana, balang araw kayo [BACW- 1A] ay magiging mahuhusay na manunulat. Magandang opportunidad iyan lalo kung kayo ay makakapag-publish ng iskrip para sa mga teleserye.” ani ni Dr. Ramos.#Carla Hermoso

Celebrity Duets: Faculty and Students


Nagpamals ng husay at galing sa pag-awit ang mga guro at estudyante mla sa iba’t ibang kolehiyo sa ginanap na Clebrity duets: Faculty and Students, singing competition noong nakaraang foundation week, Disyembre 7.

Itinanghal na panalo ang pares na sina Ma’am Gresandra Mendoa at ang kanyang estudyante na si Jebbie Dela Cruz mula sa College of Industrial Teachnology matapos awiting ang kantang Forever.

Nakuha naman ni Ma’am Lois Villavicencio at ang kanyang estudyante na si Deniel Briones mula sa College of Arts and Letters ang ikalawang pwesto matapos magpamalas ng pagkanta sa awiting The Prayer.

Hindi naman nagpahuli ang pares na sina Sir John Paul Mendoza at ang kanyang estudyante na si Myca Navarro ng College of Nursing matapos awiting ang kantang Ako’y Maghihintay dahilan upang makamit ang ikatlong pwesto.

Nagkaloob din ng peang papremyo ang mga nanalo sa Singing Contest. Nakakuha ng 6,000php ang itinanghal na panalo, 4,000php naman s aikalawa at 2,000php para sa nagkamit ng ikatlong pwesto.
Siyam na pares na kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo at satellite campuses ng BulSU sa naturang patimpalak.

“Masaya kami! Unexpected namin na mananalo kami dito (celebrity duets) kasi lahat ng kalahok ay magagaling.”ani Mendoza.#Karen S. Romantico