Friday, 9 March 2012

Yellow Warriors kampeon sa CS Street Dancing

PANAGBENGA FESTIVAL. Masigla at makulay na representasyon ng Pista
ng  Bulaklak  ng Baguio City,  ang naging tema ng grupong Yellow Warrior
sa ginanap na Street Dance Competition sa Heroes Park.


Dinumog ng maraming manonood na mula sa iba’t ibang kolehiyo ang Street Dancing Ng College of Science noong nakaraang Foundation Week, Disyembre 5.

Philippine Festivals ang kanilang naging konsepto at sinasabing isa ito sa mga talagang pinaghandaang mabuti ng kolehiyo, dahil sa mga naggagandahang props at costume ng bawat team.

Umikot sa buong unibersidad ang lahat ng kalahok, at tumigil sa Federizo Hall kung saan ginanap ang kanilang presentasyon .

Nagwagi ang Panagbenga Festival ng Yellow Team na kinabibilangan ng mga piling estudyante mula sa iba’t-ibang kurso sa College of Science.

Ang Maskara Festival naman ng Azuls ang nakakuha ng ikalawang pwesto samantalang nagustuhan rin ng hurado ang Bulaklakan ng Maynila ng Berde Bees kaya naman sila ang nagkamit ng ikatlong pwesto.

Kasama din sa mga nakilahok ang Halaman Festival ng Red Giants at ang Ati-atihan Festival ng Angry Pinks na kapwa hindi pumatok sa CS Faculty na nagsilbing mga hurado.

Binigyang parangal ang mga nagwagi sa iba’t-ibang kumpetisyon sa araw ng kanilang CS Night at P3000 cash ang ipinagkaloob sa mga nakakuha ng unang pwesto.

“Todo practice yung team namin at pinaghandaan talaga namin ng mabuti yung presentation kaya sa tingin ko, deserving talaga kaming manalo,” ani Christian Cruz ng BS Math.

Ang Street Dancing ay isa lamang sa mga napiling activities ng College of Science para sa kanilang CS Week na isinabay sa Foundation Week. # Florence Ambrocio



No comments:

Post a Comment