Saturday, 10 March 2012

BulSU 16 na taon nang kampeon sa SUC’s III Olympics


Muling nadepensahan ng Bulacan State University (BulSU) Gold Gears ang kampeonato sa ika-16 napagkakataon sa ginanap na State Universities and Colleges (SUCs) III Olympics noong ika-16- 21 ng Disyembre sa Tarlac State University.
Ang koponan ng Sepak Takraw, na isa lamang sa grupo na naghakot ng medalya,
na nagpanguna sa BulSU,  nakaraang SCUAA III. 

Samu’t saring mga parangal ang napagwagian ng BuLSU mula sa iba’t ibang kategorya ng larong pampalakasan na pinaglabanan ng 13 kolehiyo sa ikatlong rehiyon.

Nasungkit ng naturang pamantasan ang 137 na ginto, 39 na pilak at 34 na tanso, dahilan upang maungusan nito ang mga katunggali.

Pumangalawa naman ang Central Luzon State University na nakakuha ng 31 na ginto, 46 na pilak at 47 na tansong  medalya habang tinamasa naman ng Nueva Ecija University of Science and Technology, na pumuwesto bilang ikatlo sa kabuuan, ang 20 ginto, 39 pilak at 17 na tanso.

“Napakasarap [ang pagkapanalo], deserving ang ibinigay na pagsisikap ng mga athletes, yung tiyaga at paghihirap nila,” ani ni Raquel Mendoza, ang Dekana ng College of Physical Education and Recreational Sports.

Ayon din sa kanya, bago pa man madepensahan ng pamantasan ang kampeonato ay dumaan muna ang mga atleta sa isang masinsinang pag-eensayo at pangangalaga sa katawan sa buong isang taon. Ibinida rin nito na humiling siya bago pa man magsimula ang nasabing paligsahan na sana ay manatili ang kampeonato ng koponan.

“Lagi kami [atleta] nagfofocus sa trainings, iniiwasan namin ang mga bawal,” hayag ni Cian Cristoper Diaz, tatlong taon nang manlalaro ng Sepak Takraw.

Dagdag pa ng ibang mga manlalaro, ibinibigay ng pamantasan ang kailangan nila sa abot ng makakaya nito, tulad ng bitamina upang lalong mapalakas ang resistenya ng mga manlalaro.#Elmar Cundangan

No comments:

Post a Comment