Saturday, 10 March 2012

Estudyante ng Journ 3-A, pinarangalan



Limang mag-aaral ng Bachelor of Arts in Journalism 3A pinarangalan, sa kauna-unahang pagkakataon, matapos nilang mag-uwi ng karangalan mula sa iba’t ibang kompetisyon para sa unibersidad, noong ika-17 ng Pebrero sa Malolos Hiyas Convention Center.
Si Archival Mariano habang tinatanggap ang sertipiko ng karangalan da-
hil sa pagkapanalo niya bilang ika-apat sa On-the-Spot Essay Writing
contest sa National Press Club.


Tumanggap ng Certificate of Recognition sina Ann Lea Santiago at Archieval Mariano, na parehong nagwagi bilang 2nd and 4th placer, sa ginanap na National Press Club (NPC) Essay Writing Contest na may temang “The Politics  and The Press” na ginanap noong buwan ng Agosto, sa gusali ng NPC.

“Thankful pa rin kahit late na yung pagappreciate nila sa mga estudyanteng nagdadala ng karangalan.. Masaya kasi hindi nila hinayaang patunayan na tama ang column ko noon sa magazine”, pahayag ni Santiago.

Samantala, binigyang parangal din si Sherwin Jalotjot nang matamo niya ang ikalawang pwesto sa Filipino Copy Reading at Headline Writing Contest sa ginanap na ATSPAR Press Conference sa Microtel Inns and Suites, Cabanatuan City noong Nobyembre.

“Hindi ko naman expected 'yun, pero masaya ako na may gano'n nang recognition sa mga estudyante ng CAL. Magandang motivation 'yun para mag-strive pa ang mga estudyante sa pagsali sa mga contests and the likes”, ani Jalotjot.

Samantala, hindi man naparangalan sa gabi ng CAL night, binigyan din ng parangal sina Bearonica Leth Castro na nakakuha ng 1st place para sa Editorial Writing at 3rd place naman sa Development Community Writing (OSSEI) habang si Arna Catel Coronel naman ay nagkamit ng 4th place sa  News Writing Organization of Student Services Educators, Inc. National Conference in Campus Journalism and  5th  Writing Competition na ginanap sa Development Academy of the Philippines, Tagaytay City noong Pebrero 3 at 4.

“Hindi ako naniniwala na nakalimutan nila sa deans office yung certificates namin kaya hindi nila kami na awardan nung gabing yun, aminin na lang nila na hindi kasi nila kami kilala. Though naibigay naman yung certificates sa amin, iba pa rin yung narecognize ka nung CAL night, kasi parang lumalabas na sa papel na lang yung recognition.” ani Castro.

Sa Pangunguna ni Dr. Vic Ramos, Dean ng College of Arts and Letters (CAL), napagkasunduan ng administrasyon ng kolehiyo, kasabay ng pagdiriwang ng CAL night, na magbigay ng parangal, bilang pasasalamat na din sa mga mag-aaral ng Journalism na nakapagdala ng karangalan hindi lamang sa CAL kundi pati na rin sa buong unibersidad.#Florence Ambrocio

No comments:

Post a Comment