Saturday, 10 March 2012

Mga aspiring Midya, nakaharap ang mga batikan sa larangan



LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Nakaharap ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Artes at Letras (KAL) ng Bulacan State University (BulSU) ang ilang kilalang personalidad sa larangan ng pamamahayag at ‘entertainment’ nang ganapin ang 4th Media Summit sa BulSU Hostel noong ika-16 ng Pebrero.
"Gusto kong maging reporter kasi gusto ko" isa sa mga naging
inspirasyon ng mga CAL students  sa mga  ipinahayag ng guest
speaker na si Steve Dailisan ng GMA 7 sa 4th Media Summit
na ginanap sa BulSU Hostel

Mass Media as Catalyst in Uplifting Social Awarness of the Filipinos” ang tema na pinag-usapan sa naturang proyekto na naglalayong imulat ang mga mag-aaral sa maaari nilang maranasan sa pinili nilang mga propesyon.
“Masayang makilala yung mga nasa field kasi mas naiinspire kami,” ani Ruby Jean Ricafranca
Ibinida ni G. Salvador Royales, and Radio Drama Director ng DZRH, kung paano sumulat ng iskrip ng isang kwento sa radyo, maging ang kaibahan nito sa ibang istorya, at kung ano at paano ang takbo ng buhay sa pamamahayag at panlilibang sa dyaryo.
“Pagdating sa drama, kailangang ma-entertain natin ang mga listeners, kasi radio creates  mood of the listeners,” ani ng batikang manunulat, “wag gagawa ng magandang istorya, kung walang makukuhang aral sa dulo nito,” dagdag pa nito bilang payo sa mga mag-aaral.
Binanggit din niya na karapat-dapat na maging sensitibo ang isang manunulat upang mapabuti nito ang kaniyang obra. Ito ay sa pamamagitan ng mga kritisismo na ibinibigay ng mambabasa at taga-pakinig.
Sa katunayan, ito ay kanya ring naranasan noong siya ay nagsisimula pa lamang sa kaniyang propesyon, kung saan madalas ma-redyek ang kaniyang mga istorya at saka niya pinagbuti ang trabaho.
Ikinuwento naman ni Steve Dailisan, isa sa mga reporter ng GMA 7, ang kanyang mga karanasan habang siya ay kumakalap ng mga impormasyon.
Ayon sa kanya, hindi lang glamoroso ang buhay ng isang mamamahayag. Ito ay sa kadahilanang may kaakibat na peligro ang trabaho ng mga ito, tulad noong nag-kober siya ng bangayan sa Mindanao.
“Ang reporter kasi more than just celebrity, kasi dito hindi ka pwedeng umarte at kailangan kapag nagbabalita nasa puso,” ani nito.
Ibinahagi rin niya na dapat bilang isang mamamahayag ay alam nito ang kanyang limitasyon o kung saan dapat  ito hihinto.#Elmar Cundangan

No comments:

Post a Comment