Muling inihain ng College of Arts and Letter at Multimedia
Division ang Sine Bulacan State University (SiBul), sa ikalawang pagkakataon,
upang masukat ang talento ng mga mag-aaral ng naturang kolehiyo sa paggawa ng
mini-serye.
Bigger.
Braver. Bolder., ang naging tema ng ikalawang SiBul Festival na ipinapanood sa
mga estudyante ng CAL, maging ng buong BulSU, noong ika-13 hanggang ika-15 ng
Pebrero, sa Federizo Hall.
Lako,Flatline,Kuwit,Departure,Guillermo,Sergio,Garapon
at NXX 704, ang mga pamagat ng screen play na pumasa at ipinalabas, matapos
pumasa sa pagsusuri ng mga hurado.
Mas
naging malawak ang sakop ng Sibul ngayong taon dahil noon ang mga junior at
senior lang ang pinapayagang lumahok ngunit, ngayon ay bukas na ito sa lahat ng
antas basta makapagpasa lamang ng script.
Naging
mainit ang labanan noong ika-17 ng Pebrero, ang Night Party ng mga estudyante ng Artes at Letras, kasabay
ang pag-aaward sa mga tao sa likod ng
Sibul production.
Nagtala ng pinakamaraming parangal
ang SERGIO ng BAMC 4B, matapos nitong masungkit ang Best Screenplay, Viewers
Choice Award, Best Direction/Director at Multimedia Division Choice Award, kung
saan pinagkalooban sila ng tropeo at P3000.
Nakuha naman ng Flatline ng BAMC 3A
ang Best in Video Editing at Best in Actor sa katauhan ni Ervin Bermeo at si
Roanna naman ng Departure ang nagwagi bilang Best Actress. At nasungkit naman
uli ng BAMC 4A, sa mini-seryeng Garapon, ang Best in Audio Music.
Samantala, iniuwi naman ng NXX 704
ang pinakatinitingalang parangal noong gabing iyon, ang Film of the Year,
kasama ang Best in Cinematography.
“The best ang SiBul ngayon, ramdam
na ramdam ng mga estudyante. Ang ganda, ang gagaling talaga ng mga ka-maskum.
Next year, sasali na rin kami,” ani ni Micah Jenessa Cruz, mag-aaral ng BAJ 3A.#Jovel Bautista
No comments:
Post a Comment