Nagpamals ng husay at galing sa pag-awit ang mga guro at
estudyante mla sa iba’t ibang kolehiyo sa ginanap na Clebrity duets: Faculty
and Students, singing competition noong nakaraang foundation week, Disyembre 7.
Itinanghal na panalo ang pares na sina Ma’am Gresandra
Mendoa at ang kanyang estudyante na si Jebbie Dela Cruz mula sa College of
Industrial Teachnology matapos awiting ang kantang Forever.
Nakuha naman ni Ma’am Lois Villavicencio at ang kanyang
estudyante na si Deniel Briones mula sa College of Arts and Letters ang
ikalawang pwesto matapos magpamalas ng pagkanta sa awiting The Prayer.
Hindi naman nagpahuli ang pares na sina Sir John Paul
Mendoza at ang kanyang estudyante na si Myca Navarro ng College of Nursing
matapos awiting ang kantang Ako’y Maghihintay dahilan upang makamit ang
ikatlong pwesto.
Nagkaloob din ng peang papremyo ang mga nanalo sa Singing
Contest. Nakakuha ng 6,000php ang itinanghal na panalo, 4,000php naman s
aikalawa at 2,000php para sa nagkamit ng ikatlong pwesto.
Siyam na pares na kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo at
satellite campuses ng BulSU sa naturang patimpalak.
“Masaya kami! Unexpected namin na mananalo kami dito
(celebrity duets) kasi lahat ng kalahok ay magagaling.”ani Mendoza.#Karen S. Romantico
No comments:
Post a Comment