Pinatunayan ng mga
mag-aaral ng College of Business Administration ang akin nilang talent at
galing matapos ganapin ang Telentadong CBA sa Heroes Park ng Bulacan State
University (BulSU), Disyembre 6.
Ang paligsahan sa
talento ay nilahukan ng mga mag-aaral ng nasabing kolehiyo, kung saan
nakapaloob ang kursong BS Business
Administration major in Management (BAM) at Entrepreneurship (BAE), at BS Accountancy (BSA). At pinangunahan ng
Junior People Management Association of the Philippines.
Pinahanga ni
Christina Bagani aka Athena ng BAM 3e ang mga manunuod at ang hurado, matapos
niyang magpatawa at i-lip sync ang isang kantang nag-angat sa kanya upang
tanghaling Talentadong CBA ng taon.
“Masayang- masaya
[ako] at saka proud ako hindi dahil nanalo ako, kung ‘di dahil sa moral support
na ibinigay ng mga classmate ko, lalong lumakas ang loob ko,” ani ni Christina
Bagani.
Ayon din sa kanya,
una pa lamang ay inaasahan niya nang manalo, ngunit noong may nag –fire dancing
ay kinabahan siya dahil palagay niya ay mas magaling ito.
Sa katunayan,
pumangalawa at tinalo ni Athena ang sumayaw habang may kasamang apoy na si Fire
Lord sa katauhan ni James Dungca ng BAE 2b at sinundan ng Singing Diva na si
Maria Josephine Danganan ng BSA 1B.
Tumanggap ang mga
nagwagi ng tropeo at sertipiko kasama ang P3000 para sa nanguna, P2000 at P1000
naman ang sa dalawa, sa ikalawa at ikatlo. #Elmar Cundangan
No comments:
Post a Comment