Humataw ang BSBA major in Management 3E sa Corporate Dance
Competition, na ginanap sa Student Park ng BulSU.
|
Pinatunayan ng E- Force na nagmula sa BS
Business Administration (BSBA) major in
Management (Mngt) 3E sa ginanap na
kauna-unahang ‘Corporate Dance Competition’ sa Student Park noong ika-5 ng Disyembre.
Ang nasabing paligsahan sa pagsayaw ay
namagitan lamang sa kursong BSBA major in (Mngt) at Entrepreneurship, at BS
Accountancy (BSA), mga kursong nakapaloob sa College of Business
Administration.
“Blessing talaga ‘yung pahkapanalo namin.
O.A (Over Acting) sa sayaang naramdaman namin kasi (for) the past two years,
wala kaming natatanggap na award every trade fair, pero ngayon the best ang
trade fair namin. Napaka-memorable,” ani ni Mary Rose Magdato, miyembro ng nagwaging
grupo.
Samantala, pumangalawa ang The Assets ng
BSA 1B na sinundan naman ng grupong
Xtreme Youngsters ng BSBA Mngt. 1B ang nasabing paligsahan.
“Masaya ako dahil naging successful ang
event namin kahit na inulan kami. And naging proud din ako sa mga sumali
pagka’t lahat sila ay nakibahagi at nagbahagi ng kanilang mga talent,” pagmamalaking
sinabi ni Aldrich Simbulan, Presidente ng CYBL na siyang nag-organisa ng
nasabing labanan sa ‘dance floor’.
Nagkaloob ng P5,000 ang nanguna, samantalang P3,000 at
P2,000 naman ang tinamasa ng dalawang huling nagwagi na may kasamang
sari-sariling tropeo na magpapatunay sa kanilang pagkapanalo.
Ang labanan ay pinamagitanan ng mga
inampalan na sina Joseph Roy Celestino, ang Direktor ng Office of the Student
Organization; si Aries Pasno, isa sa mga guro at instructor sa pagsasayaw ng
unibersidad at si Gng. Regina Danganan, ang director ng Hyper Dynamics. #Elmar Cundangan
No comments:
Post a Comment