Sa unang pagkakataon, ang College of Arts
and Letters (CAL) ay nagbukas ng isang 2-day
seminar para sa bagong batch ng Creative Writing majors sa Bulacan State
University ng umaga, Dec. 7, kaalinsabay ng Foundation Week.
Si Dr. Vic Ramos, ang dekano ng College of Arts and Letters,
habang kinakausap ang mga mag-aaral ng Creaive Writing sa
FH 214.
|
Si Dr. Victor Ramos, Dekano ng CAL, ang naghanda para sa seminar na ito na tinawag
na Teleplay Writeshop at sinasabing
and workshop seminar na ito ay eksklusibo lang para sa mga 1st year sa bagong itinayong kurso na Creative Writing
sa kolehiyo dahil kailangan sila bigyan ng tamang orientasyon sa akademiko at
para na din sila matutong gamiting ang kanilang malikhaing imahinasyon sa
pagsusulat.
Bukod sa mga lektura, may mga activities din
silang ginawa tulad ng mga role-playing
games kung saan ang bawat kalahok ay may pinapanggap na tauhan at
tumutulong-tulong bumuo sa isang mysteryong istorya na pumoprogresibo habang
ito’y nilalaro.
“Pinapapikit ko ang kanilang mga mata para mas makita nila ang kanilang mga
imahinasyon. Isa itong paraan para makapagsulat ng nang mahusay.” ani ni Dr.
Victor Ramos, Dekano ng CAL.
Sinasanay niya ang mga estudyante ng
kursong ito sa pagsusulat ng dulang pantelebisyon para matulungan ang kanilang
pangarap na makapaglathala ng isang iskrip para sa mga sikat na television networks tulad ng GMA 7 at ABS-CBN.
“Sana, balang araw kayo [BACW- 1A] ay magiging mahuhusay na manunulat.
Magandang opportunidad iyan lalo kung kayo ay makakapag-publish ng iskrip para
sa mga teleserye.” ani ni Dr. Ramos.#Carla Hermoso
No comments:
Post a Comment