Tagisan sa pag-awit
ang bumida sa College of Science parte ng Linggo ng CS noong ika-6 ng Disyembre
sa Audiovisual Room ng kolehiyo, kaalinsabay sa pagdiriwang ika-107 na anibersaryo
ng Bulacan State University.
Ang kauna-unahang
CS Chorale Singing Competition ay ang ginawang preparasyon ng nasabing kolehiyo
para sa isa pang kompetisyon, kung saan maglalaban-laban naman ang bawat
kolehiyo sa pag-awit ng mga kantang pamasko.
Nagwagi ang Angry
Pink laban sa Berde Bee, Red Giants, Yellow Warriors at Azuls at tumanggap ng
sertipiko at 3,000Php bilang premyo
Ngunit bago pa
simulan ang naturang patimpalak, nagpakitang-gilas muna ang mga kalahok gamit
ang kani-kanilang mga warm-up song.
Matapos iyon,
tuluyan nang inawit ng grupo ang kanilang ‘rendition’ ng kantang ‘Gumising…’
Samantala, ang CS
Chorale Singing Competition ay pinamagitan nina Christine Anne Arellano, dating
kampeon sa BulSU Pop Promising Super- Star; Engr. Jesusa Angela, guro mula sa
Departamento ng Matematika at Gng. Nenita Cruz, tagapayo ng Saring Himig.#Elmar Cundangan
No comments:
Post a Comment